- Advertisement -

Impeachment vs Digong, Leni idadaan ng minorya sa block vote

0 65

MANILA, Philippines –  Idadaan umano ng House minority sa block vote ang issue hinggil sa impeachment laban kina Pangulong Duterte at Vice Pres. Leni Robredo.

 Iginiit ni House Minority Leader Danilo Suarez, hindi katulad ng kanilang naging boto sa death pe­nalty bill, kung saan pinairal nila ang conscience vote, sa issue naman daw ng impeachment sa dalawang pinakamataas na opisyal sa bansa ay idadaan nila ito sa block vote.

Ang desisyon na ito aniya ay resulta ng kanilang isinagawang pulong sa minorya.

Pero wala pa naman daw sila ngayong malinaw na posisyon sa ikinakasang impeachment laban kay Robredo dahil hindi pa raw nila nababasa ang reklamo dito.

source: Pilipino Star Ngayon

- Advertisement -

Comments
Loading...