- Advertisement -

Pangulong BongBong Marcos, magbabasa ng libro sa bakasyon

PBBM, magbabasa ng libro sa bakasyon

154

Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang pagbabasa ng libro ang inaabangan niyang gawin kung magkakaroon siya ng libreng oras sa darating na holiday break.

Sa ulat ng Manila Bulletin nitong Sabado, Disyembre 21, sinabi ni Marcos na marami pa siyang librong hindi pa nababasa, kaya’t ito ang nais niyang pagtuunan habang nasa bakasyon.

“Lahat tayo, we could use a little break. So, I will use the time,” ani Marcos.
“Ang dami kong libro na hindi pa nababasa. So, babasahin ko silang lahat pagka—habang bakasyon,” dagdag niya.

Gayunpaman, nilinaw rin ng Pangulo na kahit sa panahon ng bakasyon, siya ay mananatiling “on call” para gampanan ang kaniyang tungkulin bilang punong ehekutibo.

“Hindi ako kasama diyan. Hindi kami kasama sa bakasyon, sa holiday, sa weekend. Hindi kami kasama diyan,” saad ni Marcos.
“We’re always on call. Baka may mangyari, baka may—kailangan ako. Whatever it is I’m always available,” dagdag pa niya.

Plano ni Marcos na manatili sa Maynila sa bisperas ng Pasko, Disyembre 24, at pupunta naman siya sa Baguio sa mismong araw ng Pasko, Disyembre 25.

- Advertisement -

Comments
Loading...