- Advertisement -

lalaki, Nahawaan ng HIV Matapos Makipagrelasyon sa Misis ng Kasamahan

Lalaki, Nahawaan ng HIV Matapos Makipagrelasyon sa Misis ng Kasamahan

371

Isang 22-anyos na seaman ang nagbahagi ng kanyang kuwento tungkol sa pagkakahawa niya ng HIV matapos umano siyang pumatol sa misis ng kanyang kasamahan sa trabaho.

Sa Facebook page na Marino Ph, isinalaysay ni alyas “Kevin” ang pangyayari na naging sanhi ng malaking pagsisisi sa kanyang buhay.

Ayon kay Kevin, umuwi siya ng Pilipinas noong Hulyo matapos ang kontrata niya sa barko. Kasama sa kanyang responsibilidad ang pagdadala ng mga padala ng kanyang mga kasamahan sa kanilang mga pamilya. Isa sa mga nagpadala ay ang tinawag niyang “3rdmate.”

“July 22, dumating kami sa Manila. Kinabukasan, nag-report ako sa office for debriefing. Nai-deliver ko na ang lahat ng padala maliban sa para kay 3rdmate na naka-address sa kanyang misis,” ani Kevin.

Matapos magkausap sa Facebook, nagkasundo silang magkita sa Vito Cruz upang personal na maibigay ang padala. Dito nagsimula ang hindi inaasahang pangyayari.

“Habang nagkakausap kami ng misis niya, napansin ko ang mga emoji na pinapadala niya sa chat—smiley, kiss, heart. Parang may pinapahiwatig siya. Sa kabila ng pag-aalok ko na i-deliver na lang gamit ang Grab o Lalamove, iginiit niyang magkita kami,” dagdag ni Kevin.

Sa kanilang pagkikita, nagdala si Kevin ng padala sa condo ng babae. Ayon sa kanya, naramdaman niyang sinadya ng misis ni 3rdmate na akitin siya. Nauwi ito sa hindi inaasahang relasyon na ilang beses pang naulit.

Noong Oktubre, nakaranas si Kevin ng lagnat, rashes, singaw, at ubo. Sa huling pagsusuri, napatunayang positibo siya sa HIV.

“Hindi ko masisi ang misis niya dahil ginusto ko rin. Pero sobrang pagsisisi ang nararamdaman ko ngayon,” paglalahad niya.

Nagpapagamot na si Kevin at nagbabalak na sabihin ang nangyari kay 3rdmate upang maprotektahan ito mula sa sakit, lalo na’t inaasahang uuwi ito ng Pilipinas ngayong Disyembre.

Sa kanyang huling mensahe, sinabi ni Kevin: “3rd A.S.L., sana mabasa mo ito. Takot ako sabihin sa’yo nang personal, pero sana maiwasan mo ito. Pasensya sa kasalanan ko.”

Ang post ni Kevin ay nagdulot ng iba’t ibang reaksyon sa social media, na umabot na sa mahigit 2,000 reactions, 414 comments, at 439 shares.

Source: Balita MB

- Advertisement -

Comments
Loading...