MANILA, Philippines — ‘Shape up or ship out!’
Ito ang naging babala ni Pangulong Duterte sa mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na kanyang ipinatawag kamakalawa ng gabi sa Malacañang kaugnay sa water crisis sa Metro Manila.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tumagal ng hanggang 40 minuto ang meeting kung saan sinermunan at hindi binigyan ng Pangulo ng pagkakataong magpaliwanag ang mga opisyal ng MWSS gayundin ang kinatawan ng Maynilad Waters at Manila Water Company.