Sa pahayag ni VP Leni Robredo hinggil sa #sona2018 ng pangulo, ay sang-ayon umano sya sa ilang hakbang ni pangulong Duterte hinggil sa National Land Use Act, ang coconut farmers’ trust fund, at ending contractualization, at etc.
Subalit marami umanong issues na kailan pang e-elaborate ng pangulo sa kanyang sona at hindi umano siya satisfied sa sona ng pangulo, lalong lalo na ang concentrasyong ng katangang “Human Lives” na binanggit ng pangulo.
may mga bahagi na hindi tayo sang-ayon.
“Halimbawa iyong sinabi niya na, ‘Kung kayo pinaglalaban niyo iyong human rights, ako iyong pinaglalaban ko iyong human life.’ Hindi tayo sang-ayon doon kasi di ba iyong karapatang mabuhay, iyon iyong pinaka-pangunahing karapatang pantao?”
There is no difference between human rights and human lives – Leni Robredo
Dagdag ni Robredo, “Hindi naman iyon magkasalungat, hindi naman iyon magka-kompetensya. Para sabihin na pinapahalagahan iyong human life pero iyong human rights hindi, mali yata iyon,”
“Pangalawa, alam natin na sa kaniyang anti-drug war, napakarami nang namatay. So parang mahirap sabihin na pinapahalagahan iyong buhay ng tao, na marami na ngang buhay iyong namatay dahil lang sa anti-drug war. So doon hindi ako doon sang-ayon.”
Sa talumpati ni Duterte, Duterte said, human rights advocates cannot sway him to discontinue the illegal-drugs war with protests.
“If you think that I can be dissuaded from continuing this fight because of demonstrations, your protests, which I, by the way, find misdirected, then you got it all wrong. Your concern is human rights, mine is human lives,” he said, drawing applause from the audience.
“Human rights, to me, means giving Filipinos especially those at the society’s fringes, a decent and dignified future through social and physical infrastructure necessary to better their lives and freedoms,” – Duterted added.
Dagdag rin ni Robredo, na inaasahan niya na mabanggit ng pangulo ang status ng Marawi rehabilitation and inflation, bilang isang national issue at ang plano ng gobyerno upang ma protektahan ang interest ng bansa hinggil sa West Phillippine Sea.
“Nakulangan tayo sa maraming bahagi kasi inaasahan sana natin, una, parang report, ano ba iyong status ng mga bagay na ito?”
“Halimbawa iyong inflation, parang iyong discussion sa inflation, to a large part nag-concentrate lang sa mga rice cartels, pero walang discussion masyado kung ano pa ba iyong ibang factors na nag-contribute sa inflation.”
“Halimbawa, iyong West Philippine Sea, sinasabing ipapaglaban, pero hindi natin alam kung paano, paano ipapakipaglaban iyong sovereignty natin. Hindi niya iyon na-discuss,” she said.
“So iyong mga detalyeng ganoon, iyong expectations sana natin, dahil alam na, ‘di ba, iyon iyong… iyon iyong hinihintay ng tao, sana nabigyan ng mas mahabang detalye.”