- Advertisement -

Impeach Digong, Leni ‘di susuportahan ng LP

0 73

MANILA, Philippines – Nanindigan ang mga miyembro ng Liberal Party (LP) sa Kamara na hindi nila susuportahan ang impeachment complaint na nakahain sa Kamara laban kina Pangulong Duterte at Vice Pres. Leni Robredo.

 Ito ang inilabas na statement ni LP stalwart at Marikina Rep. Miro Quim­bo matapos ang nangyaring meeting sa mga opisyal at miyembro ng LP kamakalawa kasama si VP Robredo.

Ang nasabing pagpupulong umano ay dinaluhan ng may 15 LP members mula sa Kamara na itinakda noong Marso 15 subalit dahil sa conflict ang kanilang mga schedule ay muli itong itinakda noong April 20.

Paliwanag ni Quim­bo, tulad ng mga nakaraan nilang meeting ay pinag-usapan ang tungkol sa administrative-party matters tulad ng pagbabayad ng party dues at proposed schedules para sa second half ng taon.

Napag-usapan din umano ang tungkol sa isyu ng impeachment at kanilang napagkasunduan at pinaniniwalaan na ang pagtalakay sa anumang impeachment complaint sa Kamara ay magdudulot lang ng pagkakawatak-watak ng bansa.

Gayundin makakaa­abala rin umano ang im­peachment sa mga mahahalagang usapin na prayoridad ng mababang kapulungan.

source: Pilipino Star Ngayon

- Advertisement -

Comments
Loading...