Preliminary conference sa protesta ni Bongbong ikinasa ng PET

MANILA, Philippines — Itinakda na ng Korte Suprema na umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) ang preliminary conference para sa electoral protest ng talunang vice presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sinabi ng mataas na hukuman na gagawin ito sa Hunyo 21 ganap na alas-2 ng hapon.

The SC,as Presidential Electoral Tribunal (PET), has set PET Case No. 005 (Marcos v. Robredo) for Preliminary Conference on June 21 at 2 PM.

Nitong Enero 26 ay naghain ng dalawang pahinang mosyon ang kampo ni Marcos sa PET upang maitakda ang preliminary conference para gumulong na ang kaniyang protesta.

Kinukwestyon ng dating senador ang pagkakatalo niya kay Bise Presidente Leni Robredo ng higit 200,000 boto.

Hiningian na rin ng mataas na hukuman sina Marcos at Robredo ng P66,223,000, at P15,639,000, ayon sa pagkakasunod, na gagamitin upang tustusan ang pag-iimbestiga sa mga election paraphernalia.

Nakapagbigay na ng P36.02 milyon si Marcos habang inaasahang sa mga susunod na araw ay magbibigay na rin si Robredo ng P8 milyon bilang kanilang mga paunang bayad.

source: Pilipino Star Ngayon

Comments (0)
Add Comment