Pinas “Asia’s fastest-growing economy” dahil sa 7.1% GDP growth

Ikinatuwa ng Malacañang ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa third quarter ng taon na pumalo sa 7.1 percent na siyang itinuturing na pinaka-malakas sa lahat ng mga major Asian economy.

Paliwanag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ang GDP growth ay bunsod ng pinabilis na infrastructure spending ng Duterte administration.

Ipinagmalaki pa ni Andanar na ang 7.1% gross domestic product (GDP) growth ang pinakamataas na paglago simula second quarter ng 2013.

Sinabi pa ni Andanar na patunay ito na hindi lang nakatuon ang Duterte administration sa kampanya laban sa iligal na droga, kundi nakatutok din ito sa magandang economic agenda na magpapalago sa ekonomiya na pakikinabangan ng mga kababayan lalo ang mga mahihirap at napapabayaan.

Ipinaliwanag pa ng opisyal na titiyakin ng pamahalaan na mararamdaman ng mga ordinaryong mamamayan ang magandang takbo ng ekonomiya sa kasalukuyan.

sourceDZIQ990AM

Comments (0)
Add Comment