Inmate sa Bilibid, handang magsalita kontra kay De Lima

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na tantanan ang isyu ng pakikipag-relasyon umano ni Sen. Leila de Lima sa kanyang driver.

Sa ambush interview sa pangulo sa 6th Infantry Division sa Camp Siongco sa Cotabato City, Maguindanao, sinabi nito na may isang taga- Bilibid ang nakahandang magsalita laban kay De Lima.

Hinimok pa ng pangulo ang mga kagawad ng media na magtungo sa Commission on Human Rights at Department of Justice, at busisiin kung totoo o hindi ang kanyang mga naging pahayag laban kay De Lima.

Bago nahalal na senador, nagsilbing chairperson ng CHR at naging kalihim ng Department of Justice si De Lima.

Nakatatawa ayon sa pangulo, dahil mistulang si De Lima lamang ang hindi nakalaam na lover niya ang kanyang driver gayung batid naman ito ng buong bansa.

Maari aniyang naging emosyonal si De Lima sa kanyang mga naging pahayag dahil may katotohanan na karelasyon niya ang kanyang driver.

Iginiit pa ng pangulo na bilang isang public official, open book aniya ang kanilang buhay sa mata ng publiko.

Naniniwala si Duterte na hindi siya lumagpas ng linya sa pagbanat kay De Lima.

Kung tutuusin ayon sa pangulo, mas masakit ang mga bintang ni De Lima dahil napapatay na nga ang mga pulis sa operasyon, ay napagbibintangan pa ang mga ito ng summary executions kahit walang kaakibat na matibay na ebidensya.

sourceDZIQ990AM

Comments (0)
Add Comment
  • Elenalabarda

    Delima , wag ka magmalinis..baligtad ka, imbes n druglords at mga kriminal ang Imbestigajan mo,mga pulis n nkalaan magbuwis ng buhay ang binabanatan mo!! Ganyan n ba kaitim ang iyong puso? Wala ka n bang budhi? Mahiya ka naman sa balat mo !!!

  • Ahl failano

    Leilang pokpok iksaw ang pumapatay ng npakadaming addict dahil ikaw ang nagpo pritekta sa druglord hayop ka kung gaano kaitim ang kuyukot mo canon din kaitim ang kunsensya mo

  • Obet

    malandi yan si De lIma,, makati ang puki nya..

  • Jean Rata

    De lima at hontiveros ay iisa ang pakay ang ilaglag ang presidente kaya iisa ang kanilang panindigan. Kaya bantayan din ang babaeng yan dahil baka mqka gawa ng di tama sa duterte admin.