Barbers binuweltahan ng kaso si Pichay

Nagsampa na ng counter complaint si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers laban kay Surigao del Norte Rep. Prospero Pichay sa House Ethics Committee.

Ang ethics complaint ni Barbers ay isinumite at pinanumpaan kay House Secretary General Cesar Pareja.

Sa kanyang reklamo, inaakusahan ni Barbers si Pichay ng unethical behavior, paglabag sa Anti-Graft Law, Abuse of Authority, Inappropriate Behavior, Conflict of Interest at Conduct Unbecoming of a Public Official.

Subalit, sinabi ni Barbers na hindi ang muntik nilang suntukan ni Pichay ang basehan ng reklamo at sa halip ito ay dahil sa pagkakasangkot raw ng kongresista sa illegal mining.

Sa akusasyon ni Barbers, ninakaw at ginamit ni Pichay ang pangalan ng CMDC Mining Company para makapagmina sa Surigao at brinaso ang DENR pati ang Mines and Geosciences Bureau para magawa ang gusto nito.

Mensahe pa ni Barbers kay Pichay na naghamon sa kanya na huwag magtago sa parliamentary immunity, tantanan na ang kakadakdak.

Matatandaan na muntik nang magpang-abot sina Barbers at Pichay sa kasagsagan ng pagdinig ng House Committee on Constitutional Amendments sa panukalang Charter Change.

sourceDZIQ990AM

Comments (0)
Add Comment