MANILA, Philippines — Muling nilindol ang isang bayan sa Lanao del Sur ngayong Huwebes, kasunod ng magnitude 6 na naitala kahapon
BASAHIN: Intensity 7 naranasan sa Lanao del Sur town
Intensity VI ang naramdaman sa Kalilangan, Bukidnon, habang Intensity V naman sa Wao at Valencia City at Intensity IV sa Kadingilan, Maramag at Pangantucan sa Bukidnon.
Umabot din sa Cagayan de Oro City ang Intensity III at Intensity II sa Cotabato City at Kidapawan City.
Walong aftershocks na ang naitala ng Phivolcs kasunod ng magnitude 5.3 na lindol.
Kahapon ay umabot ng Intensity VII ang naramdaman sa Wao at Kalilangan, Bukidnon.
source: Pilipino Star Ngayon